It's the human and fun side of our sports heroes

Panga ni Khan, tagilid kay Pacquiao

143

“Amir Khan has a glass jaw. If you look at him too long, he is going to fall down.”

Ito ang tahasang sinabi ni veteran trainer Floyd Mayweather Sr. hinggil sa magiging resulta sakaling matuloy ang labanang Manny Pacquiao at Amir Khan.

Sa naging panayam kay Mayweather Sr., sa On The Ropes Boxing Radio, sinabi ng trainer na bagamat hindi siya fan ng Pambansang Kamao, pero naniniwala siyang sapat ang kakayahan nito para dispatsahin ang British fighter, sa labang sinasabing magaganap sa Mayo 20.

“I think he may beat Amir Khan,” lahad ni Mayweather Sr. “It depends on what Amir Khan is right now. Everybody is getting old up there.”

Si Pacquiao ay huling sumagupa at nanalo noong Nobyembre laban kay Jessie Vargas.

Habang si Khan ay bukas sa brutal knockout loss sa kamay ni Saul ‘Canelo’ Alvarez noong Mayo (2016).

At kung tatalunin ni Pacquiao si Khan via knockout, ito ang unang knockout win niya sapul noong Nobyembre 2009.

“If Pacquiao hits Amir Khan good, Amir Khan is gone,” dagdag pa ni Mayweather Sr. (Axel Roman)